Ang buwan ng Setyembre ay ang pag diriwang ng Katesismo. Dineklara ng mga obispo na ang taong ito ay "The Year of Social Concerns". Ang tema para taong ito ay "Share the Secret". Ano 'tong sikretong toh?! Ito yung social doctine of the church. Hindi naman talaga ito un gusto kong ibahagi. Hehe. Ang gusto ko talagang ibahagi ay ang karanasan ko sa pagkakatisismo. Sinulat ko ito sa journal ko sa C.L.E.
Bilang isang student-catechist mahirap pero masaya ang pag tuturo. Dati pa lang sinasabi ko sa sarili ko na "I want to touch lives and I want to make a difference". Habang nagkakatesismo ako, habang nagtuturo ako sa mga bata, nararamdaman ko ng paunti-unti na nakakatulong ako sa iba. NUng unang beses pa lang namin na nagtuturo sinabi samin ng aming punong guro na pagbutihin daw namin ang pag tuturo at pag nagawa namin yun, hinding hindi kami makakalimutan ng mga batang naturuan namin. Isang beses gagpakuha kami ng quiz sa mga bata, tuwang tuwa kami kasi may nakaperfect! Sarap talaga ng feeling pag nakakapag turo ka at alam mong may natututunan yung mga bata sayo. Dumating nga sa punto na pumasok sa isip ko na kumuha ng education sa college. Pero naisip ko makakagawa parin naman ako ng difference sa iba kahit hindi ako mag teacher talaga. Sa simpleng pagkakatesismo, sa simpleng pagbabahagi ng nalalaman ko, alam ko sa sarili ko na I touched the lives of those childen. =)
![]()
![]()
![]()